Julianne : Hi doc. Kaylangan ko po ba ipabrace yung mga di pantay pantay kong ngipin sa baba? Atsaka ang liliit po ng ngipin ko sa baba baka di mag kasya ang mga bracket hehe
Ito po picture o.
Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces.
Julianne : Pero po tong ipin ko. Maayos niya po ba ng brace to. Hee
Hehe
Ask the Dentist : Maaayos. Hanap ka lang ng magaling na dentist.
Julianne : Ok salamat
Julianne : Ako po ulit to. Dito po sa ngipin ko. Pag ipapabrace ko po to, gano po katagal bago tanggalin?
Ask the Dentist : 1-2 years. Ang braces, ina-adjust every month ha. Pumapalya ang treatment kung nagmimiss ng adjustment ang patient.
Kapag naghanap ka ng dentist. Tanugin mo tungkol sa training niya. Kung saan siya nagaral. Walang masama sa pagtatanong. Kung talagang nakapagaral ang dentist tungkol sa ortho, masasagot ka niya ng walang kasamang sungit o galit. Normal lang magtanong/
Julianne : Okay po doc. Simple lang po kasi yung akin. Di naman po ganun ka lala.
Ask the Dentist : Sure akong hindi simple. Hehehe!
Julianne : Ano pong kaylangan ko itanong sa Dentist? Atsaka okay lang po ba na ako lang magisa or kaylangan pa po ba ng parents?
Ask the Dentist : Mas mabuti kung may parents syempre. Lalo na ikaw, maganda ka. Paano na lang kung lalaki yung dentist.
Tanungin mo siya kung saan siya nagaral ng ortho.